BABAE

photo by: jhanysse' point of view

Ang BABAE ay NILIKHA...

...hindi mula sa ULO upang MANGIBABAW,

...hindi mula sa PAA upang TAPAKAN,

...mula sa TAGILIRAN upang MAGING KAPANTAY,

...mula sa TADYANG,sa ILALIM ng mga BISIG upang PROTEKTAHAN,

...mula sa TADYANG, MALAPIT sa PUSO, upang MAHALIN.

Ang BABAE ay MAHIWAGA...

...LUMULUHA kapag MASAYA,

...TUMATAWA kapag PUNO ng KABA,

...NGUMINGITI kapag NAGDUDUDA,

...kapag NASASAKTAN, pilit KINAKAYA...

Ang BABAE ay NAKAKAMANGHA...

...ang kanyang YAKAP, sa pakiramdam ay NAKAKAPAYAPA,

...ang kanyang HAPLOS, sa sakit ay NAKAKAHUPA,

...ang kanyang NGITI, sa takot ay NAKAKAWALA,

...at ang kanyang GALIT,sa lahat ay NAKAKABAHALA.

Ang BABAE ay laging ABALA...

...sa PAGAASIKASO ng kanyang PAMILYA,

...sa PAGDAMAY sa mga KAIBIGAN at KAKILALA,

...sa TRABAHO at sa PAKIKIPAGKAPWA,

...sa PAGLILINGKOD sa DYOS at sa BAYAN NIYA.

NGUNIT ang BABAE ay...

...sa LOOB ay MAHINA,

...nangangailangan ng lubos na PANGUNAWA,

...karapat-dapat sa PANGANGALAGA,

...mahirap masira ang TIWALA.

At kung may bagay man na NAKAKALUNGKOT sa PAGIGING BABAE...

...iyon ay ang MADALAS na PAGKALIMOT at PAGLALAGAY sa HULI ng KANYANG SARILI.

Comments

Popular posts from this blog

FaMEALy Matters

Papa's Girl.

ADHD in the HOUSE.